Byahe ni Cope sa Leyte
Leyte,
probinsiya na matatagpuan sa Visayas. Dito matatagpuan ang sikat na McArthur
Shrine at ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas, ang San Juanico Bridge. Pero napakarami
pang ibang magagandang lugar ang makikita dito. Tara, tuklasin natin ang Leyte!
Pangalawang
beses ko nang makapunta sa Visayas. Ang unang beses ko ay noong nagpunta ako sa
Cebu. Napadpad at natuklasan ko ang Leyte dahil sa aking tita na doon nagmula.
Niyaya kami ng aking kapatid at step-mom na pumunta at sumama sa Leyte nung
Mayo 2017 dahil may fiesta doon tuwing Mayo at para i-celebrate na rin ang
kaarawan ko at ng dalawa kong pinsan.
Nagsimula
kaming magbyahe papuntang Leyte noong Mayo 7 ng gabi gamit ang van na inarkila namin.
Isang napakahabang byahe, halos isang
buong araw, kaya gabi ng Mayo 8 kami nakarating ng Leyte.
Sa
bahay ng tita ko sa Baybay City, Leyte kami nanuluyan sa buong linggo ng
paglagi namin sa Leyte. Ang tita ko na rin ang nag-provide ng pagkain at
nag-ayos ng itinerary namin. At ito ang itinerary namin nung namasyal kami sa
Leyte:
DAY 1 (May 9, 2017)
![]() |
| Ilog na pinuntahan namin. |
Nagpunta kami na malinis na ilog malapit na
tinutuluyan namin. Kumain, naligo, uminom at in-enjoy lang naming ang sariwang
hangin at berdeng paligid.
Kinahapunan, nang magsawa na kami sa ilog, pumunta
naman kami sa Corals Beach Resort para mag-swimming at para doon na rin
magpalipas ng gabi.
DAY 2 (May
10, 2017)
![]() |
| Corals Beach Resort |
Birthday celebration ng pinsan ko, sa Corals Beach
Resort pa rin. Maraming handa, at ang pinagkaguluhan ay ang lechon. Ewan ko
pero ako lang ba ang hindi excited sa lechon? Di kasi ako kumakain nun eh.
Haha.
Pero sa Corals Beach Resort, mas gusto naming mag-swimming
magpipinsan doon sa mababaw na swimming pool kesa sa dagat dahil mabato. At yun
siguro yung mababaw na pinag-swimmingan ko nang enjoy na enjoy ako. Siguro
dahil na rin sa mga kasama.
DAY 3 (May
11, 2017)
![]() |
| Hindang Cave and Wild Monkeys |
![]() |
| ZIPLINE!!! |
Dalawang lugar ang pinuntahan naming nang araw na yon.
Una ay sa Hindang Bontoc Cave and Wild Monkeys plus zipline!!! Dito ay maraming
kweba, at yung mga unggoy dito ay pwedeng pakainin basta may patnubay at gabay
ng magulang, joke, dapat may patnubay ng tourist guide dahil medyo pilyo ang
mga unggoy. Huwag kayong loloko-loko. Haha. Ang naenjoy ko sa pagpunta doon ang
yung zipline. At yung ayoko naman doon ay yung mabahong amoy dahil sa dumi ng
mga paniki.
![]() |
| Lintaon Peak, Baybay City, Leyte |
Pangalawang pinuntahan naming sa araw na ‘to ay yung Lintaon Peak sa Baybay City. Grabe, nakapaganda ng tanawin. Kung pwede lang mag-stay ng matagal doon ay gagawin ko kasi sobrang nakakarelax ang natural na ganda ng mundo. Kung ako babalik dito, magdadala ako ng upuan at alak tapos relax relax lang. Hehe.
![]() |
| Budz Street Food |
Bago pala matapos ang araw na ito, kumain muna kami ng
chicken inasal at inihaw na chorizo sa may bayan ng Baybay. Grabe, sobrang
linamnam ng kinain namin. Isa yun sa di dapat palampasin kapag pumunta sa
Baybay City, Leyte.
DAY 4 (May
12, 2017)
![]() |
| cto http://faq.ph/cuatro-islas-leyte-digyo-mahaba-apid-himokilan/ |
Pumunta kami sa sikat na Cuatro Islas! Yehey! Haha.
Sikat dahil na-feature na ito sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Ito ang link sa youtube: Kapuso Mo, Jessica Soho: Cuatro Islas ng Inopacan at Hindang, Leyte
Alam niyo nung umaga ng araw na ‘to ay umuulan,
muntikan na hindi matuloy ang pagpunta namin sa Cuatro Islas dahil baka malakas
ang alon. Pero pinagbigyan kami ni Lord na makapunta. Bigla na lang kasi umaraw
at nung bumyahe na kami papunta sa bangka at nagtanong kung pwede ba sumakay,
pwede daw dahil hindi malakas ang alon.
Ayun, nag-arkila kami ng bangka para ilibot kami sa
Cuatro Islas. These islets are perfect spot for picture taking! At para maligo
din, syempre. Napakalinaw ng tubig at puti ang buhangin! Para na rin nagpunta
ng Boracay, mas tahimik nga lang at hindi crowded.
Araw ng fiesta sa lugar ng tita ko sa Baybay City.
Pagkatapos ng kainan, pumunta kami sa pamilihan sa Ormoc City, para mamili ng
pasalubong. At itong araw rin na ito, pumunta kami sa Lake Danao Natural Park.
Dito, pwede ka makapunta sa gitna ng lawa gamit ang “floating cottage” na
pwedeng arkilahin. Pwede ditong mag-swimming pero di na kami nag-swimming dahil
kulang na sa oras at wala talaga kaming balak. Haha. Pero napakaganda dito. Nakakarelax
ang tanawin.
![]() |
| MacArthur Landing Memorial Park |
At
doon nagtatapos ang pagpasyal namin sa Leyte.
Sa
kabuuan ng byahe namin sa Leyte ay worth it, worth it lahat ng pera at pagod namin
dahil sa magagandang lugar na nalibot namin doon. Ito siguro yung best birthday gift
na natanggap ko sa tatay ko nang bigyan kami ng pera para makasama sa Leyte.
Kung
kayo ay nature lover, ang Leyte ay mayaman din sa kalikasan. May magagandang
tanawin, magagandang beach, at may masasarap na pagkain. Ito yung probinsya na
di rin dapat palampasin kung gusto libutin ang Pilipinas.
Sa
ating muling pagkikita, Leyte. Paalam!











Mga Komento
Mag-post ng isang Komento